Ni Ernest Hernandez

HIGIT pa sa inaasahan ang tinanggap ni Gilas Cadet Carl Bryan Cruz sa munting salo-salo para sa pagdiriwang ng Gilas sa nakalipas na kampanya sa Jones Cup.

Sa harap ng mga kasangga at tagahangang dumalo sa pagdiriwang, tinanggap ni Cruz ang ‘Sporstmanship Award’ mula sa Chooks-To-Go bilang pagkilala sa matikas na performance sa Taiwan sojourn.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“It wasn’t expected talaga,” pahayag ng nasopresang rookie forward mula Alaska Aces.

Inamin niya na malaking tulong ang naturang pagkilala para mapataaas niya ang level ng kanyang confidence sa paglalaro sa PBA.

Ang Jones Cup ang unang karanasan ni Cruz sa international competition.

“Alam mo naman sa PBA, nag-bago ang rules diba? Sa international, mas makapal talaga ang tawagan dun. Kita nyo naman na nasapul ako sa mukha. Pero as much as possible, I stay calm as possible. Iniiwasan ko yung gumanti.”

Malaking bagay sa kanyang career ang karanaan na naranasan sa Cruz sa Jones na inaasahang madadala niya sa muling pagsama sa Gilas para sa Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“Nine games, in nine days especially sa akin, hindi ako nagpahinga. Straight ako.Dito ko na-exercise yung pagka-professional,” pahayag ni Cruz.

”Kung paano mo i-handle ang sarili mo, alagaan, pano disiplina sarili mo – yun ang natutunan ko dun.”