NABUO na ang Gilas Pilipinas sa ensayo para sa Fiba Asia Cup nitong Lunes ng gabi sa Meralco gym.

Matapos magpalabas ng ‘ultimatum’ si National coach Chot Reyes na aalisin sa line-up, dumating ang kontrobersyal na Calvin Abueva ng Alaska na kaagad na humingi ng paumanhin sa coaching staff at sa kanyang mga teammates.

Dahil sa mababang loob na paumanhin ni Abueva at sa kanyang ika-55 kaarawan, kaagad na tinuldukan ni Reyes ang isyu at sinimulan ang ensayo ng Gilas na nabuo sa unang pagkakataon mula nang simulan ang practice session nitong Huwebes.

Kasama rin sa Gilas sina June Mar Fajardo, Gabe Norwood, Jayson Castro, Fil-German Christian Standhardinger, Terrence Romeo, Roger Pogoy, Raymond Almazan, Matthew Wright, Carl Bryan Cruz, Japeth Aguilar, at Jio Jalalon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Huminge rin ng paumanhin si Abueva sa kanyang pagbabalik ensayo sa Alaska. Hindi rin niya nasipot ang ensayo ng koponan dahil sa inaayos na personal na suliranin.

“We are glad to know he is safe and back,” sambit ni coach Alex Compton.