Ni NORA CALDERON

SEVEN years nang hindi gumagawa ng pelikula si Sharon Cuneta. Ang huling pelikula niya ay ang Mano Po 6: A Mother’s Love na Metro Manila Film Festival entry ng Regal Films noong 2010.

SHARON_ copy

After that, panay ang mga balita na gagawa siya ng pelikula pero walang natuloy until itong first time niyang pag-join ng Cinemalaya Independent Film Festival sa pamamagitan ng entry niyang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha na idinirihe ni Mes de Guzman.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Gaganapin ang Cinemalaya simula August 4 hanggang August 13.

Magkakaroon ng gala night ang Pamilyang Hindi Lumuluha sa August 8, 6:00 PM sa Main Theater (Nicanor Abelardo Hall) sa Cultural Center of the Philippines (CCP), Roxas Boulevard, Pasay City.

Isa kami sa gustong makapanood ng gala night, pero wala na kaming mabiling ticket dahil sold out na kaagad. Kasi naman, excited na ang fans ni Sharon kaya binili na ng isang grupo ng fans niya ang tickets para sa gala night. Ang available na lamang pagkaraan nilang bumili, konting tickets for the balcony na naubos na rin.

Marami tuloy ang naniniwala na ang indie film ni Sharon ang magiging top-grosser sa Cinemalaya ngayong taong ito dahil maging ang regular showing ay mabilis din ang ticket sales. Puwede na rin kasing bumili ng tickets hanggang sa huling araw ng festival sa iba’t ibang sinehan na magpapalabas nito.

Mahusay na actress at tumanggap na ng best actress awards, hinuhulaan din na puwedeng si Sharon ang mag-uwi ng Balanghai trophy for Best Actress. Pero ayaw daw umasa si Sharon. Sa isang interview, sinabi niyang makakalaban niya ang mahuhusay na indie veterans na kinabibilangan nina Gina Alajar na may entry namang Nabubulok, Angeli Agbayani ng Bagahe at Angel Aquino ng Sa Gabing Nananahimik ang mga Kuliglig.

Gaganapin ang awards night sa CCP pa rin sa August 13.