ni Chito Chavez at Jun Fabon

Nasa 49.65 porsiyento ng 42,036 na barangay sa bansa ang nananatiling apektado ng ilegal na droga, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay PDEA Director General Isidro S. Lapeña, ang nasabing bilang ay nagpapakita ng kabuuang bilang ng 20,872 barangay na naapektuhan ng ilegal na droga.

Ipinagdiinan niya na ang datos ay mula sa operational reports ng PDEA Operating Units at ng iba pang law enforcement agencies.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Out of these barangays, 66.7% or 13,920 are classified as slightly affected, 32.3% or 6,744 barangays are moderately affected, while the remaining one percent or 208 barangays are seriously affected,” ani Lapeña.

Ipinaliwanag ni Lapeña na ikinukonsiderang apektado ng droga ang isang barangay kung mayroong drug user, pusher, manufacturer, marijuana cultivator o iba pang drug personality, drug den, marijuana plantation, drug laboratory at pasilidad na may kinalaman sa paggawa ng droga.

Napag-alaman na ang National Capital Region (NCR) ang pinaka-apektado ng ilegal na droga, na may 96.48%, sinundan ng Region 8, 86.58%; at Region IX, 86.29%. At ang rehiyon na hindi gaanong apektado ay ang Cordillera, 3.49%.