NI: Marivic Awitan

Ilang linggo na lamang ang nalalabi bago siya sumabak sa 2017 Southeat Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia, muling nagtala ng bagong Philippine record si Ernest John “EJ” Obiena sa men’s pole vault sa isang kompetiyon sa bansang Germany kung saan siya kasalukuyang nagsasanay.

1 copy copy

Batay sa ulat na ibinahagi ng Philippine Athletics Track and Field Association(PATAFA), nagtala si Obiena ng 5.61 meters sa isang international event sa Germany upang burahin ang dating national record na 5.55 meters na sya rin ang nagtala noong 2016 Singapore National Open.

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!

Dahil sa nasabing improvement sa kanyang performance, inaasahang lalaki pang lalo ang tsansa ni Obiena upang makamit ang gold medal sa kanyang event sa darating na Kuala Lumpur SEA Games sa susunod na buwan.

Noong nakaraang 2015 SEA Games sa Singapore, nagwagi ang 21-anyos na mag-aaral ng University of Santo Tomas ng silver medal matapos makatalon ng taas na 5.25-meters.

Ang SEA Games gold medalist sa event na si Supanara Sukhasvasti ng Thailand ay nagtala ng bagong SEA Games record nang magwagi siya sa Singapore meet makaraang makatalon ng 5.30 meters.

Isa si Obiena, anak ng dating pole vault champion na si Emerson, sa mga inaasahang magde-deliver mula sa kabuuang 38 mga atleta na ipapadala ng PATAFA sa biennial games .