ni Jun Fabon

Natuklasang 200,000 residente ng Quezon City ang walang birth certificate sa pagsisimula kahapon ng programang “Birth Rights“ ng QC Vice Mayor’s Office at QC Civil Registry Office ng para maiparehistro ang lahat ng bata sa lungsod.

Inihayag nina Vice Mayor Joy Belmonte at Civil Registry head Ramon Matabang na may 700 bata ang sumailalim sa Operation Birthright project sa Barangay Holy Spirit, kung saan maraming bata ang hindi pa naiparerehistro.

Sinabi ni Belmonte na pinalawak nila ang programa at nagkakaloob na rin ng tulong legal sa mga bata para maitama ang mga “wrong spelling”, maling pangalan at petsa ng kapanganakan sa kanilang birth certificate.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji