Ni: PNA

NAGBABALA ang mga siyentipiko laban sa posibilidad na ang peligrong dulot ng polusyon sa plastic ay nasa “near-permanent contamination of the natural environment”, at nasa 8.3 bilyong tonelada ng plastic ang nalikha simula pa noong 1950s.

Ang pag-aaral ay isinagawa ng grupo ng mga siyentipiko mula sa University of Georgia, University of California, Santa Barbara, at Sea Education Association, ang kauna-unahang global analysis sa produksiyon, gamit at kinahinatnan ng lahat ng nagawang plastic.

Noong 2015, nakagamit na ang publiko ng 8.3 bilyong metriko tonelada ng virgin plastics, at 6.3 bilyong metriko tonelada ang naging basura, ayon sa pag-aaral na inilathala nitong Miyerkules sa Science Advances.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa madaling salita, ang dami ng plactic na nalikha ay kasing bigat ng isang bilyong elepante o 822,000 Eiffel Tower, base sa pag-aaral.

Sa kabuuang porsiyento ng basurang plastic, siyam na porsiyento ang na-recycle, 12 porsiyento ang sinunog, at 79 na porsiyento ang naipon sa lupa o sa natural na kapaligiran, natukoy sa pag-aaral.

“Most plastics don’t biodegrade in any meaningful sense, so the plastic waste humans have generated could be with us for hundreds or even thousands of years,” pahayag ni Jenna Jambeck, co-author ng pag-aaral at associate professor ng engineering sa University of Georgia.

“Our estimates underscore the need to think critically about the materials we use and our waste management practices,” ani Jambeck.

“What we are trying to do is to create the foundation for sustainable materials management,” saad ni Roland Geyer, lead author ng pag-aaral at associate professor sa Bren School of Environmental Science and Management ng University of California, Santa Barbara.

“Put simply, you can’t manage what you don’t measure, and so we think policy discussions will be more informed and fact based now that we have these numbers.”

Ang mga natirang plastic ay natagpuan sa lahat ng pangunahing ocean basins.

Tinaya rin ng grupo sa nasabing pag-aaral na nasa walong milyong tonelada ng plastic ang napunta sa karagatan noong 2010.