Ni: Rommel P. Tabbad
Nawawala sa opisina ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang papeles ng transport network vehicle services (TNVS) para sa renewal ng kanilang permit sa operasyon.
Partikular na tinukoy ni LTFRB spokesperson Aileen Lizada, ang accreditation papers ng dalawang app-based ride sharing company.
“Pagpasok po namin diyan sa opisina namin, for the record, nawala po ang accreditation papers ng Uber and Grab. We want to know kung nasaan ang accreditation papers nila kasi doon namin makikita kung nasaan ang business design nila, what did they submit, ano ba talaga ang kanilang proposal, how they will go about their business. Hindi po namin makita ang papeles na iyun,” paliwanag ni Lizada.
Aniya, dapat ay nasa pag-iingat ng dating executive director ng LTFRB ang nabanggit na papeles, ngunit sinabi umano ng staff nito na “hindi nila hawak ang dokumento.”