Ni FER TABOY

Pinosasan ang apat na katao, na sinasabing kasapi ng international drug syndicate, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang kunin ang umano’y package ng dalawang kilong shabu na nagkakahalaga ng P15 milyon kamakalawa.

Ayon sa Ninoy Aquino International Airport-Inter-Agency Interdiction Task Group (NAIA-IAITG), nakatanggap sila ng intelligence report na may darating na ilegal na droga mula sa Mexico.

Dumating ang nasabing kontrabando noong Hulyo 9, nakasilid sa 24 na pvc pipe na nakapaloob sa adhesive sealant tubes at nakapangalan sa isang James Corpuz, na taga-Quezon City, at may label na construction materials.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pasado 3:00 ng hapon nitong Miyerkules, kinuha nina Alnar Pundato Sultan, Jamal Tantao, Casan Rangaig at Inairah Pundato ang padalang kontrabando at sila ay inaresto.

Sinabi ni Sultan na napag-utusan lamang silang kunin ang padala at ito ay naghihintay sa labas ng paliparan.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek.