ALIMENTO copy copy

Ni: Gilbert Espeña

ISA pang Pinoy boxer sa katauhan ni dating WBC Youth minimumweight champion ang sasabak sa South Africa na tulad ng Australia, Russia, Japan at Thailand ay tanyag sa hometown decisions kaya mananalo lamang kung mapatutulog si DeeJay Kriel sa Hulyo 23 sa Emperor’s Palace, Kempton Park, Gauteng.

Paglalabanan nina Alimento at Kriel ang WBC International minimumweight title pero may bentahe ang Pilipino na dalawang beses nang lumaban sa ibayong dagat.

Human-Interest

Bakit laging panalo? Netizens, napa-research sa mga nagawa ni Sen. Lito Lapid

Unang sumabak si Alimento sa Thailand nang palasapin ng unang pagkatalo ang inagawan niya ng WBC Youth title na si Natthapon Chaludon na napatigil niya sa 3rd round sa sagupaan noong Enero 29, 2016 sa Chiang Rai.

Pero sa kanyang ikalawang laban sa abroad, tinalo siya sa kontrobersiyal na 8-round split decision ni Masataka Taniguchi sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan noong Oktubre 13, 2016 kaya may kartada siyang 12-1-0, tampok ang walong knockout.

Hawak naman ni Kriel ang rekord na 11-1-1 na may anim na knockout at pawang kababayan ang nakalaban niya lahat sa kanyang teritoryo na Gauteng.