Ni: Bert De Guzman

Ibinunyag ni Puwersa ng Bayaning Atleta Partylist (PBA) Partylist Rep. Jericho Nograles ang ginagawang hacking ng mga smuggler upang mailusot ng bilyun-bilyong halaga ng shabu at kargamento bunsod ng agresibong anti-corruption campaign ng Bureau of Customs (BOC) sa ilalim ni Commissioner Nicanor Faeldon.

Ayon sa kanya, high-tech na ngayon ang mga smuggler at hina-hack ang computer system ng ahensiya.

Batay sa natanggap niyang impormasyon, ang P6.4 bilyong shabu na nasamsam ng BOC sa isang bodega sa Valenzuela City, ay nakapuslit sa mahigpit na protocol ng ahensiya dahil na-hack ang computer system na sumusuri sa klasipikasyon ng mga kargamento.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser