Ni: Gilbert Espeña

Tatangkain ni dating IBO mini-flyweight champion Rey Loreto na maging ikaapat na kampeong pandaigdig ng Pilipinas sa paghamon kay Thai WBA minimumweight titlist Thammanoon Niyomtrong sa Sabado (Hulyo 15) Chonburi, Thailand.

Tatlo na lamang ang world boxing champions ng bansa ngayon sa katauhan nina IBF super flyweight titlist Jerwin Ancajas, IBF flyweight champion Donnie Nietes at IBF light flyweight ruler Milan Melindo matapos matalo si WBO welterweight beltholder Manny Pacquiao sa kontrobersiyal na paraan kay Australian Jeff Horn kamakailan.

Beterano si Loreto sa pakikipaglaban sa ibang bansa sa katunayan ay nagwagi siya sa anim na huling laban sa abroad, tatlo sa Thailand pawang sa stoppages.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May rekord si Loreto na 23-13-0 win-loss-draw na may 15 panalo sa knockouts kumpara sa undefeated na si Niyomtrong na kilala rin sa pangalan “Knockout CP Freshmart” at may kartadang 15 panalo, 7 sa pamamagitan ng stoppages.