Ni: Johnny Dayang

Hulyo 24, halos 13 buwan matapos iluklok sa posisyon, isasagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalawa niyang State of the Nation Address (SONA), isang mensahe sa publiko na siguradong bibigyang-pansin ang magagandang nagawa ng administrasyon o ang mga proyektong naisakatuparan sa gitna ng mga hindi inaasahang pangyayari.

Ang kakaiba, sa kanyang diskursiyo, ang kanyang madugong kampanya laban sa ilegal na droga ay lumikha ng mapanirang imahe sa kanya, gayundin ang terorismo na nauwi sa pagkasira sa Islamic City ng Marawi.

Ang pagkapangulo ni Duterte ay isang pamumuno na malayo mula sa mga nakaraang administrasyon. Sa halip na mangako, pumasok si Duterte sa Palasyo na may isang batayan, kung kadalasang hindi napapansin, ang agenda ng pakikipaglaban sa mga banta ng mga ilegal na droga, walang pag-aalinlangang pagharap sa anomalya sa gobyerno, at pakikiramay sa mahihirap na naging basehan ng publiko sa pagluklok sa kanya bilang pangulo.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Hindi tulad ng mga sinundan niyang mga pinuno na mahilig magpahayag ng magagandang hakbangin, si Duterte ay inaasahang magiging prangka sa pagsasapubliko ng isyung pangkapayapaan at kaayusan, ng tungkol sa krisis sa Marawi at mga ginagawang paraan upang matuldukan ito, ang oligarchy at ang kampanya laban sa mga tax evaders at ang pagsibak sa mga kurakot na opisyal upang malinis ang burukrasya.

Siyempre, mayroon pang ibang mahalagang usapin na marapat lamang banggitin ng Pangulo sa ikalawa niyang SONA. Ngunit ang puso ni Duterte bilang pangulo ay higit na nakatutok sa mga hindi nabigyang pansing mga depekto at kakulangan na naging sakit na ng Pilipinas na hadlang sa tuluyang pag-unlad ng bansa.

Habang ang mahahalagang bahagi ng ating ekonomiya ay higit na napabuti sa mga nakaraang taon, salamat sa mga magagaling na imperatives na nailagay sa posisyon, oras na upang makita ang mga natamo ng gobyerno na sa wakas ay umaabot na sa mga bulsa ng mahihirap.

Ang malawakang polisiya ni Duterte na ‘build, build, build’ ay binibigyang-diin ang hangarin ng Estado na paunlarin ang istruktura ng mga tanawin sa bansa na maikukumpara sa jigsaw puzzle na may substandard at second-rate na inisyatibo.

Upang maging palaban na bansa, isinagawa na rin ng Pangulo ang pagkupkop sa agresibong polisiya ng pagbubuo ng mga imprastruktura na magkokonekta sa mga pulo at magbibigay ng mga oportunidad. Ang pilosopiya sa likod ng paniniwalang ito ay magbibigay daan para lumago at umunlad ang mahihirap na rehiyon, makalikha ng mga bagong tirahan, mahikayat ang pag-angat ng sentro ng ekonomiya, magbukas ng mga palengke, pagkonektahin ang mga tourist destination, at maibigay ang mga serbisyong pampubliko sa tamang oras.

Siyempre, sa paglalagay ng mga konsepto sa lugar, ang mas malalaking isyu na nakaaapekto sa kapayapaan at kaayusan, o ang insurgency at terorismo, ang pangunahing hamon sa Pangulo. Dahil sa kanyang determinasyon, ang pananaw ng bansa, sa wakas, ay mas magliliwanag na.