KUSANG nagpaaresto ang rapper na si DMX sa mga awtoridad para harapin ang mga kasong tax fraud, ayon sa New York prosecutors.

DMX copy

Sinasabing ang recording artist, Earl Simmons ang tunay na pangalan, ay sangkot sa multi-year scheme para itago sa mga awtoridad ang milyun-milyong dolyar na kinita at may utang na $1.7 milyon sa buwis.

Sinabi ni acting Manhattan US Attorney Joon Kim na kumita si DMX ng milyun-milyon mula sa kanyang mga pagtatanghal, palabas sa telebisyon, at mga awitin – kabilang ang 2003 hit na X Gon’ Give it to Ya – ngunit umiwas na magbayad ng buwis sa kanyang mga kinita “by avoiding personal bank accounts, setting up accounts in other’s names and paying personal expenses largely in cash.”

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Celebrity rapper or not, all Americans must pay their taxes,” saad sa pahayag ni Kim. “We will pursue those who deliberately and criminally evade this basic obligation of citizenship.”

Kasunod ng pagkaaresto ay nakatakdang humarap sa federal court ngayong araw ang 46-anyos – na kilala sa kanyang deep, rough voice at kadalasang dark o violent lyrics.

Tubong Yonkers, New York, kinasuhan si DMX ng 14 counts at maaaring makulong ng 40 taon.

Si DMX, na sumikat noong early nineties, ay may makulay na criminal history. Dati na siyang naaresto dahil sa iba’t ibang pagkakasala kabilang ang drug possession, reckless driving, animal cruelty at failing to pay child support.