Ni: Rommel P. Tabbad

Dumepensa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung bakit pinagmulta lamang ng tig-P5 milyon at hindi kinansela ang operasyon ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) na Uber at Grab.

Katwiran ni LTFRB spokesperson Atty. Aileen Lizada, nirerespeto rin nila ang interes ng mga pasaherong tumatangkilik sa nasabing mga online-app service.

Nilinaw din niya na talagang walang prangkisa ang mga ito kundi accreditation lamang mula sa kanilang opisina habang hinihintay na maipasa ang batas na nagpapahintulot sa ganitong teknolohiya sa bansa.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji