Ni RESTITUTO A. CAYUBIT

KANANGA, Leyte – “Milagro ang nangyari sa ‘kin. Pangalawang buhay ko na ‘to.” Ito ang sinabi ng 41-anyos na dalagang si Marian Superales na isa sa tatlong kahera na na-rescue mula sa gusaling gumuho sa pagtama ng magnitude 6.5 na lindol sa Leyte nitong Huwebes.

Kuwento ni Superales, nasa loob siya ng pinaglilingkurang Kida Enterprises nang lumindol, na ipinalagay niyang epekto lang ng “sakit ng ulo at medyo pagkahilo”.

Superales
Superales
Makalipas ang ilang segundo, napansin niyang naglalaglagan na ang mga produkto sa kanilang stand frame kaya nagpasya siyang lumabas ng establisimyento kahit pa hindi siya makalakad nang diretso. Gayunman, nang malapit na siya sa pintuan ay mas marami pang produkto ang nagbagsakan habang marahas ding nagbubukas-sara ang glass door.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“I was not able to get out. What I did, I sat beside the filed bottled coke and the ice cream freezer box. All of a sudden, I heard a loud falling sound over my head and there was darkness around me,” kuwento ni Superales.

“As I was sitting I prayed hard. And in my thoughts were my parents and my brothers and sisters, on what happened to them and what their conditions are,” dagdag ni Superales.

Aniya, naulinigan niya ang maraming sigaw ng paghingi ng saklolo malapit sa kanya at sinikap niyang kausapin ang boses ng isang batang babae. Sinabi ng bata na naiipit ito, kasama ang ina at isang kapatid, malapit sa counter section.

“I requested the girl to look for my cell phone at the counter section. The girl found the cell phone in my small green bag while the light was still on,” kuwento pa ni Superales.

Sa utos ni Superales, ginamit ng bata ang cell phone upang mag-text sa kapatid na babae ni Superales at humiling dito ng rescue para sa kanilang lahat.

“I wept when my sister responded and she told me and those inside not to worry because ‘we will rescue you’,” kuwento pa ni Superales.

MILAGRO!

Nakumpirma ni Superales na dumating na ang rescue nang makarinig siya ng may nagdi-drill sa tapat ng guhong nasa ulo niya, kaya naman muli niyang ipina-text sa batang babae ang kanyang ate.

“I requested the girl to text my sister that the drilling is over my head, and I will be hit because my position is only enough for me to sit down and I can’t freely move because of my very limited space. Tumigil ang drilling at lumipat sa ibang lugar,” ani Superales.

Dakong 8:45 ng gabi nang ganap na maiahon sa guho si Superales, at wala siya ni galos sa katawan.

“Hindi man lang ako nasaktan. Milagro talaga ang nangyari sa ‘kin.”

Kasamang nailigtas ni Superales ang limang iba pa, kabilang ang batang babae.

220 NA ANG NASUGATAN

Sa kabuuan, dalawa ang nasawi sa lindol habang nasa 220 na ang mga nasugatan.

Malaking bahagi pa rin ng anim na lalawigan sa Eastern Visayas ang apektado ng blackout, at wala pang aktuwal na petsang masabi ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kung kailan ganap na maibabalik ang supply ng kuryente.

Ayon naman kay Department of Public Works and Highways (DPWH)-Region 8 Assistant Director Armando C. Estrilla, nakapag-ulat ng mga pinsala sa mga kalsada at tulay sa Kananga at Ormoc City, bukod pa sa ilang gusaling pampaaralan.

Samantala, nakansela rin ang itinakdang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Ormoc City at Kananga kahapon, bagamat hindi binanggit ang dahilan nito.

May ulat nina Francis T. Wakefield at Nestor L. Abrematea