Ni MARS W. MOSQUEDA, JR.

CEBU CITY – Dumanas ng power blackout ang ilang bahagi ng Bohol at Leyte kaninang hapon kasunod ng pagtama ng magnitude 6.5 na lindol sa Leyte bandang 4:03 ng hapon.

Naramdaman ang pagyanig sa Intensity 5 sa Tacloban City at Palo sa Leyte, at Cebu City; Intensity 4 sa Tolosa, Leyte; Sagay City, Negros Occidental; Burgos, Surigao del Norte. Nasa Intensity 3 naman sa Bogo City, Cebu; Calatrava, Negros Occidental. Intensity 2 sa Libjo, San Jose, Cagdianao, Dinagat Islands; at Intensity 1 sa Roxas City, La Carlota City, at Negros Occidental.

Natukoy ang epicentre saw along kilometro timog-kanluran ng Jaro, Leyte at may lalim na dalawang kilometro, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs).

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na pumalya ang Ormoc-Maasin 138 kilovolts line bandang 4:06 ng hapon, at nagbunsod ng malawakang brownout sa Bohol, dahil sa Leyte lamang ito kumukuha ng kuryente.

Nawalan din ng kuryente sa Cebu, ngunit naibalik din kaagad makalipas ang 30 minuto.

Sinabi ni Philvocs Visayas OIC Robinsons Jorgio na may mga naiulat nang pinsala sa mga istruktura at gusali sa mga bayan ng Jaro at Canangga.

“We recorded aftershocks following the 4:03 main earthquake. As result, we received reports of buildings with cracks in Canangga and Jaro, where intensity 6 was felt,” ani Jorgio.

Walang inaasahang tsunami, aniya.