Ni Francis T. Wakefield

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force Marawi kahapon, tinatayang P500 milyon cash, gold, jewelry at iba pang mahahalagang bagay ang ninakaw ng Isis inspired Maute Group, Abu Sayyaf at mga kriminal sa Marawi City batay sa rebelasyon ng hostages na nakatakas at kalaunan ay na-rescue ng mga sundalo ng pamahalaan.

Sinabi ni Joint Task Force Marawi commander Brig. Gen. Rolando Joselito Bautista na ang impormasyon ay ibinigay ng pitong bihag na nagawang mailigtas ng government forces dalawang linggo na ang nakararaan, sinundan ng dalawa pang nakatakas pagkaraan ng ilang araw at ng isa pa dalawang araw pa lamang ang nakararaan.

Sinabi ni Bautista na ang nakababahalang mga rebelasyon ay tumutugma sa naunang impormasyon na natanggap ng JTF Marawi headquarters tungkol sa mga kuwento ng pagnanakaw sa loob ng siyudad habang nagaganap ang giyera.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“All these hostages revealed that they were forced to convert to Islam or be killed. According to them, they were initially tasked to loot and steal from the houses/establishments for ammunition, firearms, cash, gold and jewelry,” sabi ni Bautista.

“They estimate that their group alone was able to loot/steal at least P500 million in cash not to include other items they have taken from households and business establishments,” dagdag niya.

Sinabi ni Bautista na naniniwala ang hostages na ang nabanggit na halaga ay maaaring mas malaki pa dahil may iba’t ibang grupo pa na pinupuwersa ng mga terorista upang magnakaw para sa kanila.

Ibinunyag din ng mga nailigtas na bihag na tumalima sila sa itinakdang pang-araw-araw na pagnanakaw: sa umaga simula 7:00 hanggang 11:00, babalik para sa tanghalian at magnanakaw uli pagkatapos kumain hanggang 3:00 ng hapon at saka babalik sa kanilang kanlungan.

Ang mga ninakaw ay dinadala sa isang central storage sa isang mosque at tinatanggap ng nakatalagang Maute members na naglilista sa mga ito.