Ni NITZ MIRALLES

BIRTHDAY ng anak nina Paulo Avelino at LJ Reyes na si Aki sa July 24, 2017 at mukhang may big celebration ang bagets dahil may pa-pictorial, kinuha ni LJ ang NicePrint Photo.

LJ, Aki at Paolo
LJ, Aki at Paolo
Ang ganda ng pictorial ni Aki, may kuha siyang naka-costume ng Batman kaya nanghula kami na baka may children’s party sa birthday ni Aki at mukhang superhero ang concept.

Ang guwapo ni Aki, Chinese version siya ng amang si Paulo at kahit singkit, hindi maikakailang si Paulo ang tatay dahil ang laki ng pagkakahawig nila.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kasali sa pictorial si Paolo Contis, ang boyfriend ni LJ. May picture silang tatlo na magkakasama na kuha rin sa nasabing pictorial. Nakaupo si Aki sa lap ni Paolo at para silang mag-ama. Sa iba pang litrato nina Aki at Paolo, ramdam ang closeness ng dalawa at parang mag-ama sila talaga.

May nag-comment lang kung hindi raw ba naiinggit si Paulo kay Paolo dahil ang huli ang madalas makasama ni Aki at parang ito na ang kinikilalang ama. 

May nagtanong pa kung halimbawang may party si Aki, imbitado raw ba si Paulo?