BRISBANE, Australia (AP) — Matapos ang isang linggong balitaktakan at hagisan nang prediksyon, handa na sina Filipino champion Manny Pacquiao at hometown boy Jeff Horn para sa pinakahihintay na ‘Battle of Brisbane’.

Walang naging suliranin ang dalawa sa isinagawang weigh-in para sa kanilang duwelo ngayon sa tinaguriang Down Under.

“Experience, is my advantage,” pahayag ni Pacquiao sa huling pre-fight interview. But I want to make sure that I ... use it properly and maximize it.”

Tumimbang ang eight-division world champion sa 66.1 kilograms (146 pounds), habang si Horn ay mas mabigat sa 63.35 kilograms (147 pounds).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Iginiit naman ni Horn, dating school teacher at Olympic quarterfinalist, na hawak niya ang ‘reach and weight advantages’ laban kay Pacquiao.

Sa nakalipas na araw ng media Tour, sentro ng usapin ang tila bagang pagmando-mando sa sitwasyon ni Pacquiao at mas binibigyan daw nito ng panahon na pag-usapan ang posibleng ‘rematch’ kay Floyd Mayweather, Jr.

“Game face is on. School is out,” sambit ni Horn. “I just keep that in my mind, what I’m going to have to do in the ring, which will upset Manny,” aniya.

Libreng mapapanood ang laban sa US s pamamagitan ng ESPN, ngunit siguradong patok ang pay-per-view sa Australia at mahigit sa 50,000 tiket ang nabenta sa Suncorp Stadium.

“This is the time that I give back to the fans,”sambit ni Pacquiao. “Let’s do free TV for the fans. I have to give a good show for them. This is it. I’m excited,” aniya.

Idedepensa ni Pacquiao 59-6-2, 38 knockouts) ang WBO title na napagwagihan niya kay Jessie Vargas via decision noong November.