Ni: Mary Ann Santiago

Nanindigan ang isang retiradong obispo ng Simbahang Katoliko na dapat isapubliko ng gobyerno ang tunay na kondisyon ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil karapatan ng bawat Pilipino na malaman ito.

“The matter of the President’s health is a public concern, it’s not simply the concern of a private person, it is a matter of the public good. The public good is involved here kasi kung ang presidente natin ay hindi na malusog, gagawa tayo ng paraan para matulungan siya,” pahayag ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, sa panayam ng Radyo Veritas.

Hinimok din niya ang mamamayan na ipagdasal si Duterte.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“Ating mai-o-offer na ipanalangin siya sa Panginoon na ang kalooban ng Panginoon para sa kanya at sa bayan ay mangyari,” ani Bacani.