ni Nitz Miralles

ANG pag-o-off sa comments section sa kanyang Instagram (IG) ang sagot ni Sunshine Dizon sa mga basher ‘pag tungkol sa Ika-6 Na Utos ang kanyang ipino-post. Sa ginawang ito ng aktres, walang nega comment tungkol sa show at sa cast ang kanyang mababasa, hindi siya mai-stress.

Sunshine Dizon
Sunshine Dizon
May viewers na nagrereklamo dahil puro na lang daw pahirap ang nangyayari kay Emma (Sunshine) at nadagdagan pa ang kontrabida pagpasok ni Angelika dela Cruz.

Kahit alam ng viewers na magkaibigan at magkumare in real life sina Sunshine at Angelika, maiinis pa rin sila.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayaw pakinggan ng viewers ang sinabi ni Sunshine na “pampadagdag excitement sa story ang pagpasok ni Angelika” bilang si Geneva. Basta ang nakikita nila, ang sunud-sunod na pahirap kay Emma.

Ang disadvantage lang nito, hindi rin niya mababasa ang positive comments tungkol sa show. Gaya ng nagustuhan ng viewers na mas binigyan ng highlight ang partisipasyon ni Odetthe Khan bilang si Loleng. May viewers pa ngang nag-comment na mas bida na si Odette kesa mga bida ng soap.

Anyway, wala pang makapagsabi kung hanggang kailan ang airing ng Ika-6 Na Utos dahil paulit-ulit na na-i-extend. Ang huli naming narinig, baka abutin ito ng isang taon bago tapusin. December last year nag-pilot ang hit daytime program ng GMA-7.