SA nakalipas na anim na season, sa kangkungan pinupulot ang Lyceum of the Philippine University. Pawang kabiguan na makausad sa Final Four ang tinamo ng Pirates.

Ngayong, taon, umaasa ang marami na matikas at matatag na Pirates ang masisilayan sa Season 93 ng premyadong collegiate league sa bansa.

Ginulat ng Pirates ang UAAP champion La Salle Green Archers para makausad sa Finals ng Filoil Flying V Premier Cup. Bunsod nito, hindi nakapagtataka kung malalagpasan ng Lycuem ang mababang tinapos sa liga sa nakalipas na anim na taon sa pagbubukas ng NCAA basketball tournament sa Hulyo 8 sa MOA Arena.

Sa pangunguna nina CJ Perez, Cameroonian Mike Harry Nzeusseu at kambal na sina Jaycee at Jayvee Marceilino, ipinapalagay na isang contender sa kampeonato sa pagkakataong ito ang Pirates.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dating naglaro si Perez sa San Sebastian Stag, gayundin sa Ateneo bago nasadlak sa Lyceum, habang ang 6-foot-5 na si Nzeusseu ay isa sa pamosong player sa Cebu City.

Nagmula naman sa Adamson ang kambal na pambato ng Olongapo City.

“We’re really working hard and having guys committed to really win. CJ is there to really help us,” pahayag ni LPU coach Topex Robinson. “Again, I dont really have a big, I only have Mike Harry (Nzeusseu), who now is shooting threes.

“We were lucky they (Marcelinos) landed here and they really want to prove themselves and they energize the team,” aniya.

Hindi rin matatawaran ang tikas ni sweet shooting Spencer Pretta na mula sa San Sebastian.

Nagpasabog si Pretta ng limang three-pointer para sa team-hgh 17 puntos sa 86-71 panalo ng LPU kontra San Sebastian sa quarterfinal ng Fil-Oil.

Nanatili naman sa lineup ang beteranong sina team captain Jasper Ayaay, Wilson Baltazar, at Reymar Caduyac.

“Right now, we’re really focusing on the now. Wherever our winning take us is really going to be a blessing for us. I keep challenging the players to be always humble, hungry because we don’t want to get drowned on a glass of water,” sambit ni Robinson.