Ni: Genalyn D. Kabiling

Isang buwan matapos ang deklarasyon ng martial law sa Mindanao, sinabi ng pamahalaan na naging matagumpay ito para mapigilan ang tangkang pagtatag ng Islamic State province sa Marawi City.

Napigilan ng mga puwersa ng pamahalaan ang plano ng mga militanteng Muslim na magtayo ng base sa Marawi at nasupil din ang pagkalat ng terorsimo sa Eastern Mindanao, ayon sa mga opisyal.

“We do not go by ratings but we do say that we have actually preempted the establishment of a wilayat (province)… so the main goal of preventing is actually, has already been, I believe hugely successful,” pahayag ni Presidential spokesman Ernesto Abella sa “Mindanao Hour” briefing sa Davao City.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Noong May 23, isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa martial law ang buong Mindanao sa loob ng 60 araw kasunod ng madugong pag-atake ng mga lokal na armadong Maute Group, sa tulong ng mga banyagang mandirigma ng teroristang grupong Islamic State, sa Marawi City. Layunin ng martial law, pinahihintulutan ang militar na magsagawa ng warrantless arrest at searches, na masupil ang karahasan at rebelyon sa katimugan ng bansa.

Sinabi ni Brig. Gen. Gilbert Gapay, martial law spokesman ng Eastern Mindanao Command, na nananatiling matatag ang militar sa pagtitiyak ng seguridad sa lugar laban sa pag-atake ng mga terorista habang tumatalima sa mga prinsipyo ng batas at paggalang sa mga karapatang pantao.

“I am glad to report that after a month, we have prevented the spillover of terrorism in Eastern Mindanao,” ani Gapay sa parehong press briefing.

“As we enter the second month of implementation, we’d like to assure the public that we shall continue to work for the safety and security of everyone, as mandated to us with utmost respect to human rights and the rule of law,” diin ni Gapay.

Sa kabila nito, nananatiling tikom ang bibig ng Palasyo kung kailan aalisin ang martial law sa Mindanao.