Nina GENALYN KABILING at BETH CAMIA

Magbubukas ang isang tent city para sa mga residente ng Marawi City pagkatapos ng bakbakan sa siyudad.

Minamadali ngayon ng gobyerno ang pagbili ng mga tent na ipamamahagi sa libu-libong pamilyang naapektuhan ng krisis sa Marawi City, ayon kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo.

Sa halip na mamahagi ng pera para sa emergency shelter, iminungkahi ni Taguiwalo ang pagbili ng mga family-sized tent na magagamit bilang pansamantalang tirahan ng mga taga-Marawi habang sumasailalim sa rehabilitasyon ang siyudad.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“We are procuring now family-sized tents. Actually, we have started the procurement three weeks ago in preparation for the return of our evacuees to Marawi City and we hope to provide individual tents per families,” sinabi ni Taguiwalo sa news conference sa Malacañang.

“This can be immediately used rather than the emergency shelter assistance where you have to wait for the validation etc. before you can have it so that’s the plan,” aniya.

Aniya, kasya sa bawat tent ang hanggang walong tao at may mga bintana rin, gaya ng karaniwang bahay.

Sa kasalukuyan, nakapagtala ang DSWD ng 69,434 na pamilyang lumikas mula sa Marawi City. Limang porsiyento na lamang ng mga ito ang nakatuloy sa mga evacuation habang ang iba ay “home based in other parts of Mindanao”, ayon kay Taguiwalo.

Sinabi rin ng kalihim na naglaan din ang pamahalaan ng karagdagang P662.5 milyon para sa agarang relief assistance sa mga pamilyang apektado ng bakbakan sa Marawi.

Aniya, gagamitin ang karagdagang pondo sa pamamahagi ng mga food pack at non-food items para sa evacuees.

“I’m glad to tell you that the DBM has downloaded P662,500,000 to the Department as of June 6,” ani Taguiwalo. “So we have been able to purchase the needed family food packs as well as to augment our hygiene kits and non-food items.”

Samantala, plano ng pamahalaan na gamitin ang pondo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa P20-bilyon malawakang rehabilitation program para sa Marawi.

“Where to get the P20 billion Marawi fund? DBM (Department of Budget and Management) Secretary (Benjamin) Diokno said that the first 10 billion would come from PAGCOR,” sinabi ni Abella sa news conference. “We assume that the next P10 billion may also come from the same source, just an assumption.”

Una nang humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Maranaw kaugnay ng pagkawasak ng Marawi dulot ng bakbakan.