Nina LEONEL M. ABASOLA at HANNAH L. TORREGOZA

Iginiit ni Senador Panfilo Lacson na dapat ilantad ang tunay na estado ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapawi ang pangamba ng publiko.

Aniya, ang kalusugan ng Pangulo ng isang bansa ay hindi pribadong usapin nito at ng kanyang pamilya lamang.

“It is a matter of public concern. It behooves Malacañang to disclose the current state of health of the president if only to quell any speculation about his health. The public deserves nothing less,” pahayag ni Lacson.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi niya na tiyak namang mauunawaan ng publiko kung nagkasakit ang Pangulo dahil sa sobrang pagod sa pagharap sa krisis sa Marawi City.

“They will surely understand that PRRD is presently exposed to all kinds of stress and physical exhaustion due to the numerous problems besetting the country, not to mention the sight of our soldiers being transported in coffins by military aircraft with all the grieving families waiting to bring them to their respective provinces. That indeed is very stressful,” punto niya.

Ayaw namang manghula ni Sen. Francis “Chiz” Escudero sa kalusugan ng Pangulo dahil noong nakaraang linggo lamang ay nakita pa niya itong masaya, malakas at tila walang sakit.

“If there is anything wrong with the President, I am sure his people are aware of the provisions of article VII, Section 12 of the 1987 Constitution that, ‘in case od serious illness of the President, the public shall be informed’,” diin niya.

“Absent such a declaration from the President, his Cabinet or spokespersons, I don’t think its proper to speculate that the reason for his supposed absence is more than what was said ‘rest and private time’,” paliwanag niya.

Bukod dito, ayon kay Escudero, nahaharap ang bansa sa maraming mas seryosong problema na dapat pagtuunan at pagdebatehan kaysa patuloy na hulaan ang kalusugan ng Pangulo.

Tanggap naman ni Senador Francis Pangilinan, ang paliwanag ng Palasyo na kailangan ng apat na araw na pahinga ng Pangulo pero dapat aniyang isapubliko ang estado ng kalusugan nito.