Ni: Reuters Health

Mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng bleeding stomach ulcers ang matatanda sa mga araw na mas mataas ang antas ng nitrogen dioxide sa hangin, isang pollutant na nagmumula sa tambutso ng sasakyan at mga power plant, ayon sa isang pag-aaral sa Hong Kong kamakailan.

Pinag-aralan ng mga mananaliksik ang peptic ulcer o tinatawag na painful sores sa tiyan o small intestine, na karaniwang dulot ng bacterial infection ngunit iniuugnay din sa pag-inom, paninigarilyo at ilang gamot. Ang bleeding ulcer kapag napabayaan ay maaaring mauwi sa pagsusuka ng dugo o dumi na may dugo, anemia at nakamamatay na blood loss na nangangailangan ng hospitalization.

Sinuri ng mga mananaliksik kung may epekto ang panandaliang pagtaas ng air pollution sa panganib ng seryosong pagdurugo, at tinatayang 7.6 porsiyento ang pagtaas sa emergency admissions sa bleeding peptic ulcer sa loob ng limang araw kapag mas mataas ang average nitrogen dioxide levels.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“We already knew that air pollution exposure may alter intestinal immunity, increase gut permeability and influence intestinal microbial composition, which may contribute to the development of various intestinal diseases,” sabi ng senior study author na si Wai-Keung Leung ng University of Hong Kong.

“This is the first time that the association between air pollution and peptic ulcer bleeding, one of the most important complications of peptic ulcer, is being reported,” saad sa email ni Leung.

Sinuri ng mga mananaliksik ang data sa air pollution levels sa Hong Kong at 8,566 emergency admission para sa bleeding peptic ulcer sa matatandang nasa 65 anyos pataas mula 2005 hanggang 2010, para sa pag-aaral.

Bukod sa nitrogen dioxide, tiningnan din nila ang concentrations ng ozone, isang unstable form ng oxygen na nagmumula sa iba’t ibang uri ng traffic at industrial pollution na nagre-react sa araw; sulfur dioxide, byproduct ng fossil fuel combustion at pagpipino ng mga mineral gaya ng copper, aluminum at iron; at ang tinatawag na PM 2.5, ang pinaghalong solid particles at liquid droplets na mas maliit kaysa 2.5 micrometers in diameter na maaaring kabibilangan ng alikabok, dumi, mantsa at usok.

Ikinonsidera rin nila ang factors na nakaiimpluwensiya sa kalidad ng hangin, gaya ng temperature, humidity at iba pang kondisyon.

Sa lahat ng air pollutants, tanging ang elevated nitrogen dioxide levels ang nagkaroon ng kaugnayan sa panganib ng emergency admissions para sa bleeding peptic ulcer, iniulat ng pag-aaral sa The Lancet Planetary Health.

Sa naunang pag-aaral sa Canada, walang nakitang kaugnayan ang nitrogen dioxide at ang bleeding peptic ulcer, ayon sa may-akda nito na si Dr. Gilaad Kaplan ng University of Calgary, sa kasamang editorial.

Gayunman, ang mga residente sa Hong Kong ay hantad sa mas mataas na antas ng nitrogen dioxide kaysa mga tao sa Canada, ayon sa editorial ni Kaplan.

“Air pollution is a modifiable risk factor that is linked to diseases throughout the body from the respiratory system to the cardiovascular system, with growing evidence that it may influence the gastrointestinal tract,” sabi ni Kaplan sa Reuters Health sa pamamagitan ng email.