CAMP MACABULOS, Tarlac City – Inihayag kahapon ni Regional Peace and Order Council (RPOC) at Bataan Governor Albert Garcia na bumuo sila ng subcommittee na magsisiyasat sa listahan ng mga drug personalities sa Central Luzon.

Napag-alaman na ito'y alinsunod sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Advisory No 4, Series of 2017.

Ang subcommittee ay binubuo ni Garcia, chairperson, kasama sina Philippine National Police Regional Director Chief Supt. Aaron Aquino at mga kinatawan mula Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Kasama rin sa subcommittee ang National Bureau of Investigation (NBI).

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ipinaliwanag ni Garcia na sa pakikiisa ng NBI ay mapaiigting ang layunin nito na tiyakin ang kawastuhan ng muling pagsisiyasat sa listahan ng mga drug personalities. (Leandro Alborote)