ni Marivic Awitan

Laro Ngayon (MOA Arena)

7 n.g. – SMB vs Star

SALUBONG! Aksidenteng nagkabanggan sina Star Hotshots’ Mark Barroca at Chris Ross ng San Miguel (kaliwa) sa kainitan ng akisyon sa kanilan laro sa Game 1 ng OPPO-PBA Commissioner’s Cup semifinal series nitong Sabado sa Smart Araneta Coliseum. (MB Photo |RIO DELUVIO)
SALUBONG! Aksidenteng nagkabanggan sina Star Hotshots’ Mark Barroca at Chris Ross ng San Miguel (kaliwa) sa kainitan ng akisyon sa kanilan laro sa Game 1 ng OPPO-PBA Commissioner’s Cup semifinal series nitong Sabado sa Smart Araneta Coliseum. (MB Photo |RIO DELUVIO)
IKALAWANG sunod na panalo na maglalagay sa kanila sa harap ng pintuan papasok ng kampeonato ang tatangkaing makopo ng Star Hotshots kontra San Miguel Beer sa muli nilang pagtutuos ngayong gabi sa Game 2 ng kanilang best-of-5 semifinals series ng 2017 OPPO-PBA Commissioners Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Dulot ng pagiging mas agresibo at matinding kagustuhang manalo, nakauna ang Hotshots sa serye matapos ang 109-105 na tagumpay sa opening game.

Ang panalo ang ikawalong sunod ng Hotshots magmula nang makatikim ng huling talo sa eliminations na nagkataong sa kamay ng Beermen.

Nagtala ng 26 puntos at 21 rebound si import Ricardo Ratliffe upang pamunuan ang nasabing panalo ng Hotshots.

“It’s our aggressiveness and will to win na sana magtuluy-tuloy until we accomplish our mission,” pahayag ni Star coach Chito Victolero sa naging susi ng kanilang panalo matapos silang mahabol ng Beermen at dikitan sa iskor na 104-105, may 33 segundo ang natitira sa laban mula sa 92-105 na pagkakaiwan.

Bukod kay Ratliffe, aasahan din ni Victolero na muling tutugon sa kanyang hamon ang mga big men na sina Aldrech Ramos at Ian Sangalang para punan ang puwang na nalikha ng di paglalaro ni Mark Pingris na nagpapagaling ng hip injury.

Ngunit, matindi rin ang hamon para sa kanilang mga playmakers sa pangunguna nina Paul Lee, Marc Barroca at JIo Jalalon kasunod ng ipinakitang kakayahan ng mga counterparts nila sa Beermen na sina Chris Ross, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter na syang nagpasiklab ng kanilang matinding rally noong Game1.

Kung sa Game 1 ay bantay sarado nila ang mga ito, partikular si Lassiter, tiyak na mas pag-iibayuhin pa nila ang pagbabantay pagkarang ng nagawa nitong apat na three-pointer sa fourth period.

Inaasahan naman ni Beermen coach Leo Austria na mag -i-step-up si Lassiter ng mas maaga ngayong Game 2.

“They respect Marcio (Lassiter) a lot, talagang everywhere he goes, halos obsesses na sya ng kanyang bantay. He’s having a hard time trying to get an open shot because he’s a marked man. Definitely next game, I want him to step up right from the start, “ wika ni Austria.