volleyball copy

Mga Laro Ngayon

(Philsports Arena)

10 n.u. -- Army vs Sta. Lucia (men’s – for third)

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

1 n.h. -- Air Force vs Cignal (men’s – for title)

4 n.h. -- Creamline vs Power Smashers (women’s – for third)

6:30 n.g. -- BaliPure vs Pocari (women’s – for title)

SA aspeto ng consistency inaasahang magkakatalo ang defending champion Pocari at challenger Balipure sa pagtutuos nila ngayon sa pagsisimula ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference Finals sa Philsports Arena sa Pasig.

Ganap na 6:30 ng gabi ang simula ng best-of-3 finals series ng Water Defenders at Lady Warriors matapos ang sariling best-of-3 series para sa third place sa pagitan ng Creamline at Power Smashers ganap na 4:00 ng hapon.

Kapwa umabot sa rubbermatch ang kani-kanilang semifinals match, ang Pocari kontra Power Smashers at ang Balipure kontra Creamline bago sila umabot sa championship round.

“We need to show composure. We need more of this in the finals. We just need to be more consistent and we should be alright, “ pahayag ni coach Rommel Abella na muling sasandig sa kanilang import na si Michelle Strizak at mga local standouts na sina Myla Pablo, Cai Nepomuceno, Jeanette Panaga, setter Giselle Sy, Desiree Dadang at libero Mel Gohing.

Gaya ni Abella, nais din ni coach Roger Gorayeb na magpakita ng consistency sa kanilang laro ang Water Defenders partikular sa kanilang depensa.

“Consistency talaga, lalo na sa depensa. Pero wala naman akong sinasabing iba sa kanila basta focus lang at i-enjoy lang nila ang laro, “ pahayag ng multi-titled coach.

Inaasahang tatapatan nina imports Jennifer Keddy at Jeng Bualee, kasama ang mga top locals na sina reigning NCAA MVP Grethcel Soltones, Jerrili Malabanan, Risa Sato, setter Jasmine Nabor at libero Lizlee Ann Pantone.

Samantala magsisimula na rin ang best-of-3 finals series sa pagitan ng Air Force at ng Cignal ganap na 1:00 ng hapon pagkatapos ng battle for third sa pagitan ng Army at Sta.. Lucia ganap na 10:00 ng umaga sa men’s division.

(Marivic Awitan)