UNBELIEVABLE ang napakalakas na following ng grupo nina Kristel Fulgar, Sue Ramirez, Loisa Andalio at Maris Racal nang magkaroon sila ng digital concert.
Gaano kalakas? Kahapong tanghali, nang mag-post ako sa Facebook habang isinasagawa ang press launch nila sa Luxent Hotel, may nagkomento agad kung bakit daw in-unfollow ni Loisa si Sue sa Instagram.
Ganito na kabilis ang interaction ng mga artista at fans ngayon!
Ito ang katunayan ng well-studied research ng isang local entertainment company a few years ago na ang nakasanayan na nating entertainment industry ay magbabago – hindi na natin halos makikilala -- pagdating ng lima hanggang sampung taon.
Totoo nga, sa halip na sa stage o sa free television, may nagko-concert nang social media users ang audience.
Napapanood na sa celfones ang mga pelikula o ang na-miss na episodes ng sinusubaybayang serye.
Ang nakakatuwa, hindi mananatiling sa online lang mapapanood ang grupo ng young pretty performers. Dahil napansin ng Hills & Dreams Events Concepts Co. ang achievement nila, kaya ipagpo-produce nila ito ng tunay na concert.
Pinamagatang 4 of A Kind: The Unforgettable Concert, itatanghal ito sa Music Museum sa July 8. Sana lang ay maglabasan sa mga lungga ang followers nila.
Ang Hills & Dreams ang nag-stage ng concerts nina Sam Concepcion, Maja Salvador, at ang pinagsamahan nina Matteo Guidicelli, JC de Vera at Daniel Matsunaga at maraming iba pa.
May kanya-kanyang genre sina Sue (alternative rock, as in Eraserheads, Bamboo at Kitchie Nadal and idols), Loisa (sina Yeng Constantino at Sarah Geronimo ang influences), Maris (Sarah, Aiza Seguerra, Juris, John Mayer at Ariana Grande naman ang tinitingala), at Kristel (R n’ B) kaya tiyak na exciting ang magagawa sa kanila ng musical at event directors nilang sina Marvin Querido at Frank Mamaril.
May obserbasyon kami na napag-iwanan ang maraming young female stars simula nang dumating si Liza Soberano. Pero napakalaki ng entertainment world, kaya lagi pa ring may lugar para sa sinumang telented din -- tulad nga nina Loisa, Kristel, Sue at Maris.
So, totoo bang in-unfollow ni Loisa si Sue sa Instagram? Sagot ni Sue, hindi raw. Pero inamin niya na nahihirapan siyang mag-explain.
Mukhang may katotohanan. Kailangan nila itong ipaliwanag nang husto. (DINDO M. BALARES)