Kulungan ang binagsakan ng tatlong magkakapitbahay, kabilang ang isang senior citizen, makaraang arestuhin ng mga pulis sa pagsusugal ng tong-its sa Muntinlupa City, nitong Biyernes.

Ang mga inaresto ay kinilalang sina Federico Celles y Tupaz, 65, messenger, biyudo, ng Southville 3, Barangay Poblacion; Gina Milo y Villamor, 42, dalaga, ng Phase 4; at Jocelyn Asuncion y Micaller, 53, may asawa, ng Phase 4 ng nabanggit na barangay.

Sa ulat ng Muntinlupa City Police, dakong 11:35 ng umaga at nagpapatrulya ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-6 nang mamataan nila ang tatlong suspek na nagsusugal sa bahay ni Celles.

Agad na dinakip ng awtoridad ang tatlo at nakumpiska ang ginamit na baraha at P114.50 na pusta.

Metro

5 lalaki, arestado matapos masabatan ng higit ₱176M halaga ng shabu, marijuana, atbp

Kakasuhan ang mga magkakapitbahay ng paglabag sa Anti-Illegal Gambling Law (PD 1602). (Bella Gamotea)