Matapos mabigo ang kanilang bid upang makapaghost ng 2019 FIBA World Cup,hindi pa rin sumusuko ang Pilipinas sa pangarap nitong makapaghost ng World Cup.

Sa pagkakataong ito, nakipagsanib puwersa ang Pilipinas sa bansang Japan at Indonesia para sa kanilang bid para sa 2023 World Cup.

Noong nakaraang Huwebes, pormal na inanunsiyo ng FIBA (International Basketball Federation) ang listahan ng mga bansang nag-bid upang maging host ng 2023 World Cup.

At para sa Asia, nakipagsanib ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa Perbasi ng Indonesia at sa Japanese Basketball Association para maging host.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasama nila at katunggali ang mga European countries na Russia at Turkey na nagsumite ng single-host bids gayundin ang Argentina at Uruguay na nagprisinta naman bilang co-host.

Sa darating na Agosto ang itinakdang deadline ng FIBA para sa hosting applications.

Sa mga susunod na buwan, lahat ng mga aplikante sa bidding ay may pagkakataong makadaupang palad ang mga kinatawan ng pamunuan ng FIBA upang mailahad ang lahat ng mga potensiyal na aspeto ng kani-kanilang mga bids at mga hosting requirements at iba pang mga kinalaman sa hosting bid. - Marivic Awitan