DREW SA CAMSUR copy

MAKAILANG beses mang napuntahan, tiyak mayroon pa ring bagong matutuklasan sa isang lugar. Kaya bukas (Biyernes, June 2), isang bagong biyahe sa isang pamilyar na lugar ang mararanasan ng Biyahe ni Drew host na si Drew Arellano sa pagdayo niya sa Camarines Sur.

Unang pupuntahan ni Drew ang paboritong destinasyon ng mga mahilig sa watersports — ang CamSur Watersports Complex o CWC. Wakeboarding ang pangunahing water activity sa itinuturing na Wakeboarding Capital of the Philippines. Kaya si Drew, sasabak agad sa wakeboarding. Sa CWC rin matatagpuan ang Aquapark na sumisikat na ring tourist attraction ngayon.

Samantala, nagiging popular na ang outdoor activities sa probinsiya. Dahil bike enthusiast si Drew, pagpadyak sa mga dirt trail sa paligid ng Mt. Isarog ang gagawin niya. Makikipag-bonding din siya sa mga usa sa isang deer farm at magtatampisaw sa tatlong hidden water gems: ang Nalalata Falls, Tumagithi Falls, at Bulalakaw Falls.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

For a truly Bicolano fare, titikman ni Drew ang kakaibang Shrimp Laing Pizza, ang classic Bicolano dish na Kinunot, ang Lechon Laing, at Pancit Bato na galing pa sa bayan ng Bato. Pero ang unforgettable dish sa biyahe, ang kinalas na Bicolano version ng batchoy.

Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8 PM sa GMA News TV.