Bumaba ang tiwala ng mga Pilipino sa international organizations sa gitna ng pambabatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte, base sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey.

Sa nationwide survey na isinagawa noong nakaraang Mayo 25-28 at binubuo ng 1,200 respondents, nalaman na 58 porsiyento ng mga Pilipino ang labis na nagtitiwala at 13% ang hindi gaano nagtitiwala sa United Nations (UN). Ito ang dahilan upang magtamo ng “very good” +45 (percentage ng labis na nagtitiwala minus sa percentage ng hindi gaano nagtitiwala) trust rating ang UN.

Ang net trust ratings na +70 at pataas ay itinuturing ng SWS na “excellent;” +50 hanggang +69, “very good;” +30 hanggang +49, “good;” +10 hanggang +29, “moderate;” +9 hanggang -9, “neutral;” -10 hanggang -29, “poor;” -30 hanggang -49, “bad;” -50 hanggang -69, “very bad;” at -70 at below, “execrable.”

Tinanong ang mga respondents kung ang kanilang trust/faith sa organization ay “very much,” “somewhat much,” “undecided if much or little,” “somewhat little,” “very little,” o hindi pa narinig o nabasa ang tungkol sa organization.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sinabi ng SWS na ang net trust rating ng UN ay palaging nasa good level simula nang una itong i-survey noong Nobyembre 1994, na nagsimula sa +45 and at umabot sa +49 noong Nobyembre 2001.

Ang latest score na +45 noong Marso 2017 ay mas mababa ng tatlong puntos sa +48 noong Disyembre 2016, at ganito rin ang pagkakaroon ng +45 noong Marso 2003, Disyembre 2002, at Nobyembre 1994. (Ellalyn De Vera-Ruiz)