Patuloy na magbibigay ng tulong ang United States sa gobyerno ng Pilipinas para labanan ang terorismo.
Naglabas ng pahayag si U.S. Ambassador to Manila Kim Sung matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi bibili ang Pilipinas ng mga armas sa U.S. dahil sa napakaraming hinihinging kondisyon ng Washington.
“As a proud ally, the U.S. will continue to provide support for PH counterterrorism efforts,” tweet ni Kim kahapon.
Sinabi ni Duterte sa panayam ng media sa Moscow kamakailan na sa Russia na lamang bibili ng armas ang Pilipinas.
(Roy C. Mabasa)