LAOAG CITY, Ilocos Norte – Dalawang katao ang nasawi habang walong iba pa ang nasugatan sa magkahiwalay na aksidente sa sasakyan sa Ilocos Norte at La Union nitong Martes.

Ayon sa pulisya, isang John Rodelio Silio y Lingayen, 35, ng Barangay Quiling Norte, Batac City, Ilocos Norte, ang nasawi makaraang madulas at sumemplang ang sinasakyan niyang motorsiklo sa madulas na bahagi ng lansangan sa Bgy. Baay, Batac City.

Grabe ang mga tinamong sugat ni Silio, na hindi na umabot nang buhay sa ospital.

Samantala, namatay si Leonardo Jimenez, 64, taga-Bgy. Suki, Calapan City, Oriental Mindoro, habang walo pang pasahero ang nasugatan makaraang bumangga ang sinasakyan nilang pampasaherong jeepney habang umaahon sa Sudipen-Sugpon Road sa kabundukang bahagi ng Bgy. Castro, Sudipen, La Union.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa pulisya, paahon sa kalsada ang jeep na minamaneho ni Joseph Badongan, 49, taga-Bgy. Porporiket, Sudipen, nang mawalan siya ng kontrol sa sasakyan kaya dumausdos ang jeep at bumaligtad.

Nasugatan sa aksidente sina Lino Dagsa, 68; Elmer Cayat, 15; Winnie Donato, 43; Anna Budas, 49; Charlie Gundran, 37; Gina Gundran, 34; Giarlie Gundran, 13; at Jessa Mae Ramon, 10, pawang taga-Sugpon, Ilocos Sur. (Freddie G. Lazaro)