Nagbabala si Senator Panfilo Lacson kahapon laban sa posibleng iregularidad sa implementasyon ng multi-year P9-trilyon infrastructure program ng administrasyong Duterte.

Ang tungkulin sa pagbabantay sa programang ito ay hindi lamang dapat iatang sa mga mambabatas kundi ganoon din sa mamamayan, sinabi ni Lacson sa isang open forum kasama ang mga miyembro ng Rotary Club of Makati Central.

“We should be watchful on the implementation of these projects. Losing just 20 percent of the P9 trillion to irregularities means a whopping P1.8 trillion lost to corruption,” pahayag niya.

Sinabi niya na ang mawawala ay maaaring mas malaki pa sa P1.8 trilyon, dahil itinuturing ng ilang contractor na pinakamababa na ang 20 porsiyento sna maaaring hingin ng mga tiwaling opisyal.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inihayag ng gobyerno ang paglalaan nito ng P9 trilyon para sa infrastructure projects sa lalim ng programa nitong “Build, Build, Build”.

Sa kaugnay na balita, sinabi ni Lacson na magiging aktibo rin siya sa pakikilahok sa committee hearings para sa panukalang national budget (General Appropriations Act or GAA) para sa 2018, kapag isinumite na ito sa Kongreso.

Noong nakaraang taon, natuklasan ni Lacson ang bilyun-bilyong pisong pork-like insertions sa budget para sa 2017.

(Mario B. Casayuran)