Apat na katao ang nasawi sa magkakahiwalay na insidente sa Quezon City sa buong magdamag, iniulat kahapon.

Sa report na ipinarating kay Quezon City Police District (QCPD) Director Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T. Eleazar, dakong 3:30 ng madaling araw kahapon nang pagbabarilin hanggang sa mamatay ang magkapitbahay na sina Niko Ledesma, 25, ng No. 55K Street, Barangay East Kamias, at Nelver Inano, 25, ng No. 65K St.

Nabatid na nakatayo sina Ledesma at Inano sa harap ng isang burger store sa East Kamias, nang sumulpot ang lalaki na inilarawang 5’5” ang taas, nakasuot ng bullcap, gray na short pants, orange polo shirt at pinaputukan ang dalawa.

Samantala, sa Barangay Batasan, dahil sa maling pagparada ng kotse ay napatay sa gulpi si Ricardo Vila, Jr., 47, ng No. 14 Bonda Drive, Sierra Monte Villas, Bgy. Batasan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Base sa imbestigasyon, dakong 11:00 ng gabi kamakalawa, sakay si Vila, kasama si Albino John Libao, sa Toyota Vios at pumarada sa may Filinvest at sila ay kinompronta ni Renato Milan, alyas Boyet.

Makalipas ang ilang minuto ay nauwi sa maaanghang na salita ang kumprontasyon hanggang sa umalis Vila, at sa kanyang pagbalik ay nadatnan niya si Milan na kasama ang mga barkada na sina alyas Bora at Jack at pinagtulungan siyang gulpihin.

Una rito, dakong 8:30 ng gabi, napatay sa buy-bust operation ang umano’y tulak ng droga si Norman Aquino, 33, ng Quirino Highway, Bgy. Bagbag, Novaliches.

Sa ulat ni Novaliches Police-Station 4 commander Police Supt. April Mark Young, nakatunog umano si Aquino na peke ang transaksiyon.

Bubunot na sana ng baril si Aquino ngunit inunahan na siyang barilin ng mga nakaantabay na pulis.

Nakuha mula kay Aquino ang cal. 45 na baril, mga bala, umano’y marijuana, mga plastic sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at drug money. (Jun Fabon)