Inaprubahan ng House Committee on Labor and Employment ang panukalang nagtatakda ng “optional” na four-day work week para sa mga kawani ng gobyerno at ng pribadong sektor.
Ipinasa nitong Lunes ng panel, na pinamumunuan ni Cagayan Rep. Randolph Ting, ang House Bill 5068 ni Baguio City Rep. Mark O. Go, na layuning dagdagan ang karaniwang oras ng trabaho kada araw sa ilalim ng compressed work week scheme, na nag-aamyenda sa Articles 83, 87 at 91 ng Presidential Decree 442, ang Labor Code of the Philippines.
“This bill allows the employers to go into compressed work week, if they decide to go for a four-day work week, it is their option,” sabi ni Go, idinagdag na nais ng ilang kumpanya ang compressed work week o mas kakaunting araw ng trabaho sa isang linggo.
Paliwanag ni Go, kailangang aprubahan ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang isang employer na nais magpatupad ng compressed work week. (Charissa M. Luci)