Balak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isabak sa tatlong-buwang Army reservist training sa Cavite ang mga traffic enforcer na may nakabimbing kaso.

“We are also seriously contemplating the idea of sending these enforcers with pending cases to the Army reservist training in Cavite for three months since MMDA is an Army Reserve Command. Maybe undergoing military training would help instill values and discipline to these erring personnel,” sabi ni MMDA Officer-in-Charge Tim Orbos.

Nais din ng MMDA na paglinisin ng mga estero sa Metro Manila ang 60 kawani ng ahensiya na nasuspinde dahil sa mga kinahaharap na kasong administratibo bilang bahagi ng parusa sa kanila.

Aniya, ang nahaharap sa magagaang na paglabag, tulad ng simpleng reklamo sa pagpapabaya sa tungkulin hanggang sa pangingikil ay pansamantalang itatalaga sa Flood Control and Sewerage Management Office upang tumulong sa Estero Blitz program, ang flood control project ng MMDA. (Bella Gamotea)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists