BATANGAS – Aayudahan ng pamahalaang lungsod ng Lipa sa Batangas ang 13 pamilyang nasunugan nitong Sabado, na dalawang magpinsang paslit ang nasawi.

Personal na nagtungo si Lipa City Mayor Mernard Sabili sa Barangay 2 upang alamin ang sitwasyon ng mga nasunugan, na sa kabuuan ay aabot sa P10 milyon ang naabong ari-arian.

Ayon kay Senior Insp. Von Ferdinand Nicasio, Lipa City fire marshall, umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na tumupok sa 10 bahay at ikinamatay nina Xander Lalucis, 4; at Divon Lalucis, tatlong taong gulang.

“Naiwan po ng nag-aalaga ‘yung dalawang bata sa bahay noong nagkaroon na po ng stampede, sa takot po siguro,” ani Nicasio.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Ayon sa report, dakong 11:45 ng umaga nang magsimula ang sunog na sanhi ng electrical short circuit at pasado 1:00 ng hapon na nang maapula. (Lyka Manalo)