MULING kakasa si Filipino super lightweight Ricky Sismundo sa kanyang ikaapat na sunod na laban sa North America kontra NABF Youth super lightweight champion at walang talong si Yves Ulysse Jr. sa Hunyo 17 sa Olympia Theatre, Montreal, Canada.

Ito ang ikatlong laban niya sa Canada matapos mabigo sa kanyang unang laban sa United States nang matalo sa kontrobersiyal na 10-round split decision kay one-time world title challenger Jose Felix Jr. ng Mexico noong Enero 30, 2016 sa Burbank, California.

Naging kontrobersiyal ang una niyang laban sa Canada nang mapabagsak si two-time world title challenger Dierry Jean ng Haiti pero nagtabla ang sagupaan sa Montral, Quebec, Canada noong Mayo 13, 2016.

Ngunit sa ikalawang laban sa naturan ding lugar ay kumbinsidong tinalo niya sa 10-round unanimous decision si ex-NABF super lightweight champion Ghislain Maduma ng Congo noong Oktubre 22, 2016.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Tiyak na papasok na sa world rankings si Sismundo kung magwawagi kay Ulysses sa kalidad ng kanyang mga nakalaban sa Amerika matapos ang kampanya sa Japan na nagtala siya ng 6-1-1 record na may tatlong panalo sa knockout.

May perpektong rekord si Ullyse na 13 panalo, 9 sa knockouts samantalang ang beteranong si Sismundo ay may kartadang 31-9- na may 13 pagwawagi sa knockouts. (Gilbert Espeña)