DANIEL copy copy

NAGBUNGA naman ang panlalait ni Richard Reynoso kay Daniel Padilla. Dahil sa walang habas na komento ng singer sa ka-love team ni Kathryn Bernardo, napagtanto ng mga nagpapatakbo ng career ng actor na seryosohin na ang pagbo-voice lessons.

Kaya ang negatibong komento ni Richard ay naging positibo dahil sa pagtanggap ng kampo ni Daniel.

Ang puna ni Richard na wala sa tono raw na pagkanta ni Daniel sa coronation night ng Bb. Pilipinas ay tinanggap nang maluwag ni Daniel.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Sabi ng isang taong malapit kay Daniel, tututukan na nila nang husto ang sinasabing pag-i-enrol muli ng actor sa voice lessons.

“Totoo naman na kailangan talagang gawin ‘yun ni Daniel. Dapat na huwag na ‘yung basta balewalain niya ang pag-eehersisyo ng boses niya. May nagtuturo lang sa kanyang kumanta pero hindi siya aktuwal na nag-aaral ng voice lessons.

“Hindi siya regular na kumukuha ng voice lessons. Okey na rin naman kay Daniel na mag-aral talaga siya sa isang voice coach,” sey ng aming source.

Hindi naman daw nasaktan si Daniel sa mga panlalait ni Richard Reynoso. Kilala naman daw kasing de-kalibreng singer si Richard kaya alam nito kung maganda o hindi ang timbre ng boses ng isang umaawit.

Pero ang problema lang daw ay ang oras ni Daniel na sunud-sunod ang showbiz commitments at may bagong pelikulang gagawin.

Samantala, may komento naman ang isang katoto hinggil sa sinundan pang paglilitanya ni Richard Reynoso ng mga puna sa pag-awit ni Daniel. Masyado raw napakinabangan ni Richard si Daniel para magkaroon ng libreng publicity.

“Use me in a sentence,” sey pa ng kausap namin. (JIMI ESCALA)