LALONG naku-curious ang publiko sa matagal na pananatili ni Sharon Cuneta sa Amerika dahil sa cryptic posts niya. Ang latest niyang post ay quotation ni Neal Donald Walsh na, “Life begins at the end of your comfort zone.”
Okay lang sana ito kung hindi siya nag-caption ng, “Was supposed to go home today. But nope. Am not. God bless you all!”
Sinundan pa iyon ni Sharon ng isang post ng proverb na, “Just when the caterpillar thought the world was over, it became a butterfly” at ang caption ay, “Guess who the caterpillar was?”
Ramdam ng followers ni Sharon na may pinagdadaanan siya kaya may mga nagpapayo sa kanya to stay away from the social media habang hindi pa nareresolba ang kung anumang problema niya para hindi nag-iisip ng kung anu-ano ang followers niya.
Sakaling umuwi man ng bansa si Sharon, aalis din uli siya at babalik sa Amerika dahil may shows siya na magsisimula sa June 16 hanggang July 9.
Ang tanong ng fans ni Sharon ay kung gagawin pa ba niya ang Cinemalaya entry niyang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha. Bago siya biglaang lumipad papuntang Amerika, naka-scedule na siyang mag-shooting sa first week ng May na tama lang sa schedule ng Cinemalaya sa August. (NITZ MIRALLES)