HONG KONG – Mula sa matagumpay na biyahe sa Cambodia kung saan ipinakita niya ang kanyang “economic persona”, dumating si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hong Kong nitong Huwebes na masaya at handang makipagbalitaan sa Filipino community, partikular ang mga kinatawan ng 210,000 Pinoy na nagtatrabaho rito.
Habang sinasalubong si Duterte sa Hong Kong International Airport, ipinahayag naman ng kanyang Cabinet sa media ang mga natamong tagumpay ng Pangulo para isulong ang tinaguriang Dutertenomics na ipatutupad sa pamamagitan ng “Build, Build, Build” strategy.
Kasama ang delagasyon sa Cambodia kung saan lumahok si Duterte sa World Economic Forum.
Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na interesado ang Malaysia at Brunei sa roll-on, roll off (RORO) nautical highway.
“With this business model being put in place, already we are being sounded out by Malaysia and Brunei to do a similar navigational relationship,” ani Tugade.
Nag-alok naman si Air Asia CEO at president Tony Fernandes na palalawakin ang “air travel coverage” ng bansa at magtatayo ng mga paliparan sa Caticlan, Puerto Princesa at Davao. (Ben R. Rosario)