Matagal nang iniuugnay ang breastfeeding sa napakaraming health benefits sa mga sanggol, at sa bagong pag-aaral ay ipinahihiwatig na ang bacteria na naisasalin ng mga ina sa kanilang sanggol ang maaaring isa sa mga responsable rito.

Inimbestigahan ng mga mananaliksik ang tinatawag na microbiome, o ang lahat ng bacteria, virus at fungi na nabubuhay sa katawan. Sinuri nila ang 107 pares ng mag-ina para sa organisms sa suso ng babae at kanilang gatas, at sinuri rin ang dumi ng bata upang matukoy kung anong uri ng organismo ang nasa infant gut microbiome.

Nakita ng mga mananaliksik ang natatanging mga uri ng bacteria sa gatas, breast tissue at infant stool, at natuklasan na ang gut microbial communities ng sanggol ay tumugma sa bacteria sa gatas at balat ng kanilang ina at kapareho rin ng mga sample na nakuha sa iba pang babae sa pag-aaral.

Ipinahihiwatig nito na ang gatas ng bawat ina ay malaki ang naiaambag sa gut microbiome ng kanyang sariling sanggol.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“We were able to show that there are bacteria in milk and that these bacteria could be traced to bacteria in infant stools,” sabi ni senior study author Dr. Grace Aldrovandi, hepe ng division ng infectious diseases sa Mattel Children’s Hospital sa University of California, Los Angeles.

“This supports the hypothesis that milk microbes are a mechanism by which breastfeeding provides benefit,” sabi ni Aldrovandi sa email.

Inirerekomenda ng mga pediatrician na pasusuhin ng mga ina ang kanilang mga sanggol ng hindi bababa sa anim na buwan dahil iniuugnay ito sa mas mababang panganib ng ear at respiratory infections sa mga bata, sudden infant death syndrome, allergies, childhood obesity at diabetes.

Nakikinabang din ang mga ina, dahil ang mas matagal na panahon ng pagpapasusuo ay iniuugnay naman sa mas mababang panganib ng depression, bone deterioration at ilang uri ng cancer.

Pinalalakas ng mga resulta ang naunang pananaliksik na nagmumungkahi na ang infant gut microbiome ay iba sa breast-fed at formula-fed babies, sabi ni Dr. Alexander Khoruts, researcher sa University of Minnesota sa Minneapolis, na hindi kasama sa pag-aaral.

“They found that breastfeeding is the major source of microbial transfer during the early months of life, and I think the study provides supportive evidence for the current recommendations of exclusive breastfeeding for the first six months and continued breastfeeding to 12 months,” saad sa email ni Khoruts. (Reuters Health)