TORONTO (AP) — Isa pang season ng kabiguan para sa Raptors. Sa pagbubukas ng summer, napipinto ang pagbabago sa kanilang hanay.

Hayagan ang naging pahayag ni Kyle Lowry na susubukan ang free agency na pinapayagan sa kanyang huling taon sa kontrata. Awtomatiko namang free agent sina forward Serge Ibaka at P.J. Tucker, nakuha sa trade deadline para palakasin ang Toronto, gayundin si forward Patrick Patterson.

Malaking katanungan para sa Raptors. Mapanatili ang line-up para sa isa pang pagkakataon na matibag ang Cleveland Cavaliers o tuluyang pagguho para sa pagbabago.

Matapos walisin ng Cavs sa second round, walang malinaw sa kinabukasan ng Raptors maliban sa pahayag ni Lowry na hindi na siya interesado sa US$12 milyon na option para sa final season nang nilagdaang four-year, $48 million contract noong 2014.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Aniya, nakatuon ang kanyang isipan para sa tsansang makatikim ng kampeonato.

“I want a ring,” aniya. “That’s all that drives me. I want to just get better, I want to have fun, I want to win a ring. I want to make sure my family is happy. That’s all I’ve thought about right now.”

Nene, out sa Houston

Sa Houston, hindi na makalalaro si Houston Rockets center Nene sa kabuuan ng season matapos mapunitan ng muscle sa kaliwang hita.

“I hate it for Nene,” pahayag ni coach Mike D’Antoni nitong Lunes (Martes sa Manila). “He’s been so valuable all year, such a good guy.”

Natamo ni Nene ang injury sa Game 4 ng west semifinal kontra San Antonio Spurs na pinagwagihan ng Rockets, 125-104, para maitabla ang serye sa 2-2.

Naitala ni Nene, 15-year veteran at naglalaro sa unang taon sa Rockets, ang averaged 10 puntos at 4.7 rebound sa siyam na laro sa postseason. Nagbida ang Brazilian star sa Game 4 ng first-round series kontra Oklahoma City nang pantayan ang NBA sa record na 12-of-12 sa field goal tungo sa career playoff-high 28 puntos sa 113-109 panalo ng Houston.