GENERAL LUNA, Siargao Island – Duwelo nang pinakamahuhusay na surfer sa mundo ang nasaksihan sa pagratsada ng Siargao International Women’s Surfing Cup Qualifying Series 1,000 nitong Linggo sa Cloud Nine.

Ayon kay Gerry Deagan, event director ng prestihiyosong torneo sa tinaguriang surfing capital sa bansa, may kabuuang 24 foreign entry ang nagpamalas nang kahusayan sa ibabaw ng malalaking alon.

“It’s pretty exciting to see these competitors who will vie each other,” pahayag ni Deagan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Aniya, ang kaganapan ay bahagi lamang ng ensayo para sa mas matikas na labanan sa pornal na pagsisimula ng torneo ngayon.

“We definitely conclude on May 6th as scheduled,” aniya.

Sinabi ni General Luna Mayor Jaime P. Rusillon na ang naturang event ay sanctioned ng World Surf League (Qualifying Series), kung kaya’t pinutakte ang bansa nang mahuhusay at world-class na babaeng surfers na naghahangad ng world ranking points, tropeo at premyong US$10,000.

Suportado ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Rusillon ang mga torneo na aniya’t malaki ang naitutulong sa turismo at kabuhayan ng lalawigan.

“Everything is set,” pahayag ni Rusillon, patungkol sa seguridad na inihanda niya para masiguro ang mapayapa at maayos na paglulunsad ng torneo.

“We are happy that our women’s event will now be sanctioned by the WSL and we can’t wait for the first Cloud 9 waves to be conquered by these brave women,” aniya.

“We have the number one professional female surfer in Asia declared by the Asian Surfing Championship.”

Kumpiyansa si Nilbie Blancada, ang reigning 2016 Asian Surfing Champion (ASC), sa magiging kampanya laban sa matitikas na karibal.

“It’s gonna be clash of titans, an epic battle among surfing queens around the world and I’ll do everything I could for the glory of our country,” ayon sa homegrown Pinay surfing champion.

Nitong Hulyo, ginapi ni Blancada ang 12 karibal mula sa Australia, Argentina, Indonesia, Taiwan at Japan para makopo ang titulo sa Quiksilver Padma Challenge. (Roel N. Catoto)