SAN JOSE DE BUENAVISTA, Antique – Ipinahayag ng Department of Eduducation na kabuuang 26 bagong meet record ang naitala sa katatapos na 60th Palarong Pambansa.

Pinangunahan nina National Capital Region’s (NCR) swimmers Maurice Sacho Ilustre, Jerald Jacinto at Nicole Meah Pamintuan ang pagtatala ng bagong marka sa torneo para sa mga kabataang estudyante.

Nakopo rin ng NCR ang overall championship tangan ang 98-66-45 (gold-silver-bronze) kasunod ang CALABARZON (41-57-57); Western Visayas (38-29-40).

Nanguna si Ilustre ng De La Zalle Zobel sa 200-meter butterfly, 100-meter freestyle, 200 freestyle at 400-meter 4 X 100 medley, habang nanaig si Jacinto sa 200 at 400-meter medley, 100 at 200-meter buttlerfly.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kumana naman si Pamintuan sa 100- meter backstroke, 100 at 200-meter freestyle at 200- meter medley 4 X 50.

May 17 bagong meet record sa swimming, habang may pito sa athletics, sa pangungina ni CALABARZON sprinter Veruel Verdadero.

Nagwagi si Verdadero sa 100 meter ,200 meter ,400 meter, at 4 X 400 meter relay, gayundin sa 4X 100 meter relay.

Ang iba pang record breaker sa athletics ay sina NCR’s Francis Obiena (pole vault),Javelin throwers James Lozanes ng Western Visayas (secondary boys) at Sylvian Faith Abunda ng Northern Minanao (secondary girls), discuss thrower Kate Julienne Martinez ng Negros Island Region, at Ana Marie Eugenio sa 400 meter hurdles.

Kumabig din ang archers na sina Charmaine Angela Villamor ng Baguio City (40 meters) at Kennyben Gallogo ng CARAGA (Single Fita). (PNA)